Sa pahinang ito, mababasa mo ang buod ng Ibong Adarna mula sa kabanata 1 hanggang kabanata 46. Maaari mo ring basahin ang talasalitaan na ginamit sa ibaba ng bawat buod.
Mahabang panahon ang inilaan namin sa pagbubuod sa koridong ito. Kaya kung nakatulong sa iyo ang aming bersyon ng Ibong Adarna buod ng bawat kabanata, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase o kaibigan upang sila man ay matuto rin gaya mo.
Kwento title=Ibong Adarna style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSgbxG3NQazscjSpHQ_HJf39LSGLsaRvbs75GzYidrYxOeWXZwWbjQ2YnCbo4pzE37i4U4&usqp=CAU'; />
Ang Ibong Adarna ay isang korido na sinasabing isinulat ni José de la Cruz na kilala sa tawag na Huseng Sisiw. Ito’y nagmula sa di tiyak na bansa sa kontinente ng Europa kung kaya’t hindi rin tiyak ang orihinal na may akda nito.
Ibong Adarna Kabanata
Ang buong pamagat ng koridong ito ay “Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania”.
Ang Ibong Adarna ay naging bahagi na ng panitikan at mitolohiyang Pilipino. Ito ay nagsimulang sumikat ng isalin ito sa katutubong wika. Nasusulat sa anyong patula ang Ibong Adarna na may sukat na walong pantig kada linya at may apat na linya kada saknong.
Ang kaharian ng Berbanya ay tanyag bilang isang sagana at may payapang pamumuhay. Ang mga piging at pagdiriwang ay madalas na idinaraos sa kaharian ng Berbanya dahil masayahin ang hari’t reyna na namumuno dito na sila Don Fernando at Donya Valeriana.
Kabanata 21: Buod
Sila ay may tatlong lalaking mga anak na sina Don Pedro, Don Diego, at si Don Juan. Ang tatlong prisipe na ito ay likas na magagaling at matatalino higit kanino pa man sa buong kaharian. Nagsanay ang tatlo sa paghawak ng mga sandata at patalim sa pakikipaglaban ngunit isa lang sa kanila ang maaaring mahirang bilang tagapagmana ng kaharian.
Hindi maikakaila na paborito ni Don Fernando ang bunsong anak na si Don Juan kaya namayani ang inggit ng panganay na si Don Pedro sa kapatid.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Don Fernando buhat sa isang bangungot. Sa kaniyang panaginip ay nakita niya ang bunsong anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang buhong at inihulog sa malalim na balon.
Ibong Adarna Kabanata 21 31 Group 3.pptx
Dahil sa pag-aalala ay hindi na nakatulog at nakakain ng maayos ang hari magmula noon hanggang sa ito’y maging buto’t-balat na. Maging ang asawa at mga anak ng Don ay nabahala na din dahil walang sinuman ang makapagbigay ng lunas sa sakit ng hari.
Isang medikong paham ang dumating sa kaharian na naghayag na ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang awit ng isang ibon na makikita sa bundok ng Tabor sa may kumikinang na puno ng Piedras Platas. Ang ibon na ito ay matatagpuan lamang tuwing gabi dahil ito ay nasa burol tuwing araw.
Nang malaman ang tungkol sa lunas ay agad nag-utos ang pinuno ng monarka sa panganay na si Don Pedro upang hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.
Fil7 Q4 M14.pdf
Inabot ng tatlong buwan ang paglalakbay ni Don Pedro bago tuluyang matunton ang daan paakyat sa Bundok ng Tabor. Hindi naglaon ay natagpuan din ni Don Pedro ang Piedras Platas.
Dumating ang laksa-laksang ibon ngunit wala sa mga ito ang dumapo sa kumikinang na puno. Nakatulog si Don Rafael habang nag-iintay sa pagdating ng Ibong Adarna.
Di nito namalayan ang pagdating ng ibon. Pitong ulit na umaawit ang Ibong Adarna at pitong ulit rin nagpapalit ng kulay ang kaniyang balahibo
Ibong Adarna Tauhan At Mga Katangian Ng Bawat Isa
Nakasanayan na ng ibon ang dumumi bago matulog. Pumatak ang dumi ng ibon sa noo’y natutulog na si Don Pedro. Sa isang iglap ay naging isang bato ang prinsipe ng Berbanya.
Inatasan ni Don Fernando ang ikalawang anak na si Don Diego na hanapin ang nawawalang kapatid at hulihin ang Ibong Adarna. Naglakbay si Don Diego ng mahigit limang buwan bago nito tuluyang marating ang Piedras Platas.
Nagpapahinga ito sa isang bato doon nang biglang dumating ang Ibong Adarna. Nasaksihan ng kaniyang mga mata ang pitong beses na pag-awit at pagpapalit ng kulay ng balahibo ng ibon.
Ang Buod Ng
Hindi nito naiwasang makatulog dahil sa lamyos ng tinig ng mahiwagang ibon. Napatakan muli ng dumi ng ibon si Don Diego dahilan kung bakit naging bato rin ito.
Tatlong taon na ang lumipas ay hindi pa rin nakakabalik ang magkapatid na prinsipe samantalang lalong lumubha naman ang sakit ng hari.
Atubiling inutusan ni Don Fernando si Don Juan na hanapin ang mga kapatid nito at hulihin ang Ibong Adarna. Humingi ng bendisyon si Don Juan upang payagan ito na umalis para hanapin ang mga kapatid at ang natatanging lunas sa ama.
Th Quarter Aralin 1 4.docx
Di katulad ng naunang magkapatid, hindi gumamit si Don Juan ng kabayo sa halip ay naglakad lang ito. Naniniwala ang prinsipe na kusang dadating ang biyaya sa kanya kung mabuti ang kaniyang hangarin.
Nagbaon siya ng limang tinapay at kumakain lamang tuwing makaisang buwan. Panay ang usal niya ng panalangin upang makayanan ang hirap. Apat na buwan na siyang naglalakbay at tumigas na ang natitirang baon na tinapay.
Humingi ng limos ang ermitanyo kay Don Juan. Ibinigay ng prinsipe ang natitirang tinapay sa matanda. Nagbilin ang ermitanyo kay Don Juan nang malaman nito ang pakay ng binata.
Gamit Ang Venn Diagram Sa Ibaba, Ipakita Ang Pagkakaiba At Pagkakatulad Ng Paglalakbay Nina Don Pedro
Hinabilin ng matanda na huwag masisilaw sa kinang ng puno sa halip ay tumingin sa ibaba upang makita ang isang dampa. Doon ay matatanaw ni Don Juan ang isang pang ermitanyo na siyang makakatulong sa paghahanap ng lunas sa may sakit.
Nang marating ni Don Juan ang Piedras Platas ay muntik nang malimutan nito ang bilin ng leprosong ermitanyo dahil sa pagkamangha sa kaniyang nasaksihan. Muli lang nagbalik ang kanyang diwa nang makita niya ang dampa.
Narating ni Don Juan ang dampa at nakita ang tinapay na ibinigay niya sa leprosong ermitanyo. Dito ay nalaman ng prinsipe na isang engkantado ang Ibong Adarna. Ito ay masisilayan lamang tuwing gabi, pitong beses na umaawit at pitong beses din kung magpalit ng kulay ng balahibo.
Awit At Korido Ibong Adarna
Bilin ng ermitanyo na sa oras na umawit ang Ibong Adarna ay kailangan niyang hiwain ang palad at pigaan ng dayap upang mapaglabanan ang antok. Binigyan din nito ang binata ng sintas na ginto upang gamiting panghuli at panggapos sa ibon.
Nakapuwesto si Don Juan sa ilalim ng Piedras Platas. Hindi siya napagod sa pag-iintay kung kaya’t nasaksihan niya ang taglay na gilas at kariktan ng Ibong Adarna. Umawit ito at nagpalit na ang kulay ng kanyang mga balahibo.
Nang marinig ang awit ng ibon ay humikab si Don Juan. Ginawa niya ang bilin ng ermitanyo na hiwain ang palad at pigaan ng dayap ang sugat. Nawala ang nararamdaman niyang antok dahil sa sakit ng kanyang sugat. Nagkaroon ng pitong sugat si Don Juan katumbas ng pitong awit ng Ibong Adarna.
G7 Filipino Ika Apat Na Markahan
Muling dumumi ang ibon at naiwasan naman ito ng prinsipe. Nang makatulog ang ibon ay marahan na umakyat sa puno si Don Juan at agad na sinunggaban ang ibon pang maitali gamit ang gintong sintas.
Nag-utos ang ermitanyo kay Don Juan na kumuha ng banga at punuin ito ng tubig para ibuhos sa mga kapatid niyang naging bato. Agad namang sumunod si Don Juan sa pinag-uutos ng ermitanyo.
Sumalok siya ng tubig at nagtungo sa kaniyang mga kapatid. Unang binuhusan ni Don Juan ang batong si Don Pedro at agad itong nabuhay.
Ibong Adarna Bawat Kabanata
Nagyakapan ang tatlong prinsipe at labis na nagalak dahil sa wakas ay gagaling na ang kanilang ama dahil sa nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna. Muling nagtungo ang tatlo sa dampa ng ermitanyo at doo’y nagkaroon ng piging.
Agad na gumaling ang mga sugat sa palad ni Don Juan matapos itong pahiran ng gamot ng ermitanyo. Muling namangha si Don Juan sa hiwagang ipinamalas ng nito.
Nagbilin ang ermitanyo sa tatlong prinsipe na nawa’y makarating sila ng payapa alang-alang sa kanilang amang hari. Nagbilin din ito na huwag sanang paglililo ang manahan sa kanilang mga puso.
Ang Pitong Pagaspas Ng Adarna
Sa kanilang pag-uwi ay nauunang naglalakad si Don Juan dala-dala ang hawla. Habang nasa likod naman nito ang dalawa pa niyang kapatid. Palihim na kinakausap ni Don Pedro si Don Diego.
Dahil sa sobrang inggit nito kay Don Juan, binalak ni Don Pedro na patayin ang kaniyang bunsong kapatid ngunit ito ay tinutulan ni Don Diego.
Sa halip na patayin ay napagkasunduan ng dalawa na bugbugin nalang si Don Juan. Sa kagubatan na ito aabutan ng kamatayan at madadala pa nila ang Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya.
Anong Kahulugan Ng Pagdatal Sa Ibong Adarna
Hindi nanlaban si Don Juan kahit pa siya ang pinagtutulungan na bugbugin ng dalawa niyang kapatid. Iniwan ng magkapatid si Don Juan na nakagulapay sa gitna ng kagubatan. Tumakas sila tangay ang Ibong Adarna.
Bumalik ng palasyo ang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego. Bagama’t nakaratay parin ay pinilit ni Don Fernando na bumangon upang mayakap ang dalawang anak na matagal nang nawalay sa kanya.
Nanlumo ito nang malaman na hindi kasama ng magkapatid ang bunsong anak na si Don Juan. Tinanong ng hari sa magkapatid kung nasan si Don Juan ngunit ang tanging sagot nila ay hindi nila alam.
Ibong Adarna Copy
Tiyak ng hari na sa itsura na iyon ng Ibong Adarna ay imbes na mapapagaling ng awit nito ang may sakit ay mas lalo pang lulubha. Sa pag-aalala ay muling nanariwa ang panaginip ng hari tungkol sa kanyang bunsong anak na pinaslang ng dalawang buhong.
Lumipas ang mga araw at mas lalo pang lumubha ang sakit ng hari. Ang Ibong Adarna ay ayaw pa ring kumanta dahil wala ang totoong nagmamay-ari sa kanya na
Tidak ada komentar