Social Items

EDSA Ang Pangunahing Daan ng Pagbabago sa Kasaysayan ng Pilipinas

EDSA Ang Pangunahing Daan ng Pagbabago sa Kasaysayan ng Pilipinas

Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue; lit. na  'Abenida Epifanio de los Santos') na dating Highway 54, ay isang mahaba at pakurbang daan na nasasakupan ang anim (6) na lungsod at pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay isang mahalagang daluyang pantransportasyon sa pagitan ng hilaga at timog na bahagi ng kalungsuran.

Ang EDSA ay nakadugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may Palitan ng Balintawak at South Luzon Expressway (SLEX) sa may Palitan ng Magallanes. Inuugnay rin nito ang mga pangunahing distrito pampinansiyal ng Makati Central Business District, Lundayang Ortigas, at Lundayang Araneta. Ang Ikaong Linya ng MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, mula sa kanto ng Abenida Taft sa Pasay hanggang sa SM North EDSA sa kanto ng North Avenue sa Lungsod Quezon. Ito ang pinakamahaba at pinakamatrapik na daan sa kalakhang Maynila na may haba ng 23.8 kilometro (14.8 milya).

PanahonKasaysayan Ng Pilipinas title=Panahon NG EDSA style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRELaW4xI3weiKRGEOKhyKHFU7S2UfI9md_1ofY7ZSPxOLJ7oYbof-IVbtMmM-5jcHdtBw&usqp=CAU'; />

Ang buong lansangan ay bahagi ng Daang Palibot Blg. 4 (C-4), isang sistema ng mga daan at tulay na nagsisilbing ika-apat na daang palibot (beltway) para sa Lungsod ng Maynila. Isa rin itong bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 1 (N1) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, at Asian Highway 26 (AH26) ng sistema ng lansangang bayan sa Asya. Ang mga lokasyon sa paligid ng abenida ay kinakikitaan ng malaking pag-unlad sa ekonomiya at industriya, at ito'y napapatunayan sa dalawa sa mga sentrong industriya sa kalakhan (ang Makati CBD at Ortigas) na derektang mapupuntahan sa pamamagitan ng lansangang ito. Ang pag-unlad ng ekonomiya sa mga lugar sa paligid ng abenida ay nagbibigay ng malaking bolyum ng trapiko sa abenida, at sa mga pagtataya na isinagawa kamakailan lamang,

The Work Newsletter (vol. 70 Issue No. 3) By The Work

Ang EDSA ay isang hating daanan (divided carriageway), na kadalasang may 12 linya (anim kada direksyon) at may nakaangat na Ikaong Linya ng Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila bilang panggitnang harangan (median) nito. Hindi isang mabilisang daanan ang EDSA, subalit mahigpit na isinasagawa ang mga batas-trapiko at nakatakdang tulin sa mga sasakyang dumadaan dito. Pinapatakbo ito ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA), at pinapanatili at madalas na kinukumpuni ito ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH).

Simula nang ginawa ang EDSA noong 1930's una itong tinawag bilang North-South Circumferential Road, na ginawa sa loob ng panungkulan ni Pangulo Manuel L. Quezon, na pinangunahan ng mga inhinyerong sina Florencio Moreno at Osmundo Monsod.

Ang daan ay natapos noong taong 1940, bago pa nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kasunod na pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagsisimula ito noon sa Monumento sa Caloocan at nagtapos ito sa Avenida Taft at Manila South Road sa Pasay.

Ugnayan Ng Wika, Kultura At Lipunan

 Hilagang EDSA) sa Caloocan at Lungsod Quezon ay itinawag na Calle Samson, na maaring ipinangalan kay Apolonio Samson, isang Katipunerong tinyente ng barrio na lumaban kasama si Andrés Bonifacio,

Habang ang bahagi nito sa Pasay ay itinawag na Kalye P. Lovina, na maaring ipinangalan kay Primitivo Lovina, ang dating alkalde ng Pasay at Kalihim ng Paggawa. Pagkatapos ng kalayaan ng bansa noong 1946, ang daan ay pinalitan ng pangalan bilang Avenida 19 de Junio (Avenida ika-19 ng Hunyo), mula sa kapanganakan ng pambansang bayaning si José Rizal.

Ang mga Rizalista ay gustong panatiliing 19 de Junio ang pangalan ng daan. Habang si Pangulo Ramon Magsaysay naman ay gustong ipangalan ito kay Rizal. Ang mga nakatira sa Lalawigan ng Rizal ay gustong ipangalan ang daan sa isang Rizaleño, historyador, hukom at iskolar na si Epifanio de los Santos y Cristóbal. Ang Philippine Historical Committee (ngayon ay tinatawag bilang National Historical Commission of the Philippines), ang Philippine Historical Association, ang Philippine Library Association, Association of University and College Professors, ang Philippine China Cultural Association, at ang Philippine National Historical Society, na pinangungunahan ng mga Rizaleño na sina Eulogio Rodriguez Sr. at Juan Sumulong, na sinuportahan ang pagbabago ng pangalang Highway 54 sa Avenida Epifanio de los Santos.

Edsa People Power

Noong Abril 7, 1959, kaarawan ni de los Santos, ipinagtibay ang Batas Republika Blg. 2140, na nagbabago ng pangalan ng abenida sa kanyang karangalan.

-

Ang mabilis na pagusbong ng mga pook-urbano noong dekada-1960 at 1970, lalo na noong idinagdag ang ilang bayan ng Rizal sa bagong buong Pambansang Punong Rehiyon, ay nagtanda sa pagunlad ng mga sentro-industriyal sa kahabaan ng abenida at sa ilang daan na naka-ugnay sa abenida, tulad ng Abenida Ayala at Daang McKinley sa Makati.

Noong panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, nagsimula nang magkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa abenida. Itinayo ang ilang mga palitan upang maibsan ito, kabilang na ang mga Palitan ng Balintawak at Magallanes sa magkabilang dulo ng abenida. Noong isinakatuparan ang Sistemang Arteryal ng mga Daan sa Kamaynilaan noong 1965, upang makompleto ang sistemang C-4, pinahaba ang EDSA mula Abenida Taft hanggang sa Bulebar Roxas, na kung saan inokupa nito ang mga parsela ng lupa sa kahabaan ng mga dating Kalye F. Rein at Del Pan.

Transportasyon Sa Kalakhang Maynila

Mula dekada-1960 hanggang kalagitnaan ng dekada-1980 ang karamihan ng abenida ay nakatanaw sa mga malawak na lupaing damo at bukas na linang.

Noong 1986, nag-alsa ang mga kalaban ni Pangulo Marcos sa politika laban sa kanyang 20-taong pamahalaang diktaturiyal. Kinubkob nila ang mga base militar ng Kampo Rafael Crame at Kampo Aguinaldo, kapwa matatagpuan sa EDSA sa sangandaan nito sa Abenida Bonny Serrano. Noong Pebrero 25, 1986, nakuha ng pandaigdigang batid ang Abenida Epifanio de los Santos bilang lugar ng mapayapang demonstrasyon na nagpabagsak sa rehimeng Marcos, sa pamumuno ni Corazon Aquino. Karamihan sa mga demonstrasyon ay naganap sa mahabang kahabaan ng abenida, at nabibilang ng higit dalawang milyong sibilyang Pilipino kasama na ang ilang mga kilalang grupo ng politika, militar, at relihiyon na pinangunahan ni Kardinal Jaime Sin, Arsobispo ng Maynila.

Ang

Ang lugar ng pagbabago ng kasaysayan ay tinanda ng mga monumento na matatagpuan sa kinaroroonan ng mga naganap na pangyayari. Ang mga pook-palatandaan sa kasaysayan ay nagsisimula sa pasukan ng Mandaluyong na may mataas na istatwa ni Maria (ina ni Hesukristo) na pinahiran ng kulay gintong pintura na hinaluan ng mga batong bronse. Sa kanto naman ng EDSA at Abenida White Plains malapit sa pasukan ng Corinthian Gardens makikita ang isang monumento ng higanteng bakal na metal na binuo ng maraming taong nakatayo sa isang bilugang mala-podyum na piramide at may madre sa gitna nito na nag-aabot sa kalangitan. Ang pangunahing daos ng rebolusyon ay ang dapat sanang pagwasak ang mga kampo, ang tanging naganap ay ang pagpinta ng pinakamahabang mural sa Pilipinas na may haba na 2.4 kilometro sa mga pader ng mga kampo na may walong talampakang taas. Ipinapakita ng mga ito ang tanda ng mataimtim na pangako, kapayapaan, at pagkakaisa.

Transportasyon Sa Pilipinas

Pagkatapos ng Rebolusyong People Power, kilala na sa mas-nakararami bilang EDSA ang abenida, at isinama na ang F. Rein at P. Lovina sa abenida. Noong 1997, sinimulang itayo ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila sa ibabaw ng EDSA mula Abenida North hanggang Abenida Taft, noong pagkapangulo ni Joseph Estrada.

Ang Ikalawang Rebolusyon sa EDSA ay nagbunga sa mapayapang pagpapatalsik ni Joseph Estrada, ang ika-labintaong Pangulo ng Pilipinas. Pinalitan siya ng kanyang pangalawang pangulo, Gloria Macapagal-Arroyo, na nanumpa sa opisina sa pamamagitan ni noo'y Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr. sa mga tanghali ng Enero 20, 2001, ilang oras bago umalis ng Palasyo ng Malakanyang si Estrada.

Noong 2006, pinahaba ang abenida mula Bulebar Roxas patungong SM Mall of Asia, kung saan kasalukuyang nagtatapos ito sa Globo at rotonda ng Mall of Asia. Noong Setyembre 2006 nasira ang malaking bahagi ng abenida, noong nanalasa ang Bagyong Milenyo sa Maynila.

EDSA

North Luzon Expressway

Noong 2010 pinahaba ang Unang Linya ng LRT (LRT-1) ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila mula Estasyong Monumento hanggang Estasyong Roosevelt, sa huli ay dadaan ng EDSA hanggang sa matapos ito sa kinalalagyan ng Estasyong North Avenue ng MRT.

Noong Agosto 2012, bago ang pagdinig ng Kongreso sa pinagtatalunang panukalang-batas ukol sa kalusugan sa pag-aanak o RH Bill, nagsagawa ng isang pangmadlang rally (mass rally) ng Simbahang Katolika sa EDSA upang maipakita ang kanilang pagtutol sa panukala.

Noong Pebrero 25, 2015, naganap sa EDSA ang isang kilos protesta na nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulo Benigno Aquino III. Binubuo ito ng libu-libong katao mula sa iba't-ibang grupong lipunang-sibil, politikal at relihiyon. Nanatili lamang ang kilos protesta sa paligid ng EDSA-Santolan dahil sa mga harang ng kapulisan na naghadlang sa mga raliyista na makalapit sa Bantayog ng Lakas ng Bayan.

Ap 4th Quarter Week1

Noong Agosto 27-31, 2015, nagsagawa ng demostrasyon ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo sa EDSA upang manawagan kay dating Kalihim ng DOJ Leila de Lima na magtuon ng pansin sa mga mahahalagang usapin tulad ng kaso sa SAF 44 at hindi sa kaso na inihain ng dating ministro ng INC laban sa mga kasapi ng Sanggunian. Tinututulan nila ang sinasabing paglabag sa paghihiwalay ng simbahan at estado.

EDSA

Noong Setyembre 9, 2015, inilabas ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) ang Highway Patrol Group sa EDSA upang makontrol ang mabigat na paninikip sa trapiko kasama na ang mga tagatupad ng batas-trapiko ng MMDA sa mga masisikip na bahagi ng EDSA.

Noong Nobyembre 30, 2016, isinagawa ang pinakamalaking protesta kontra-Marcos sa ika-21 dantaon sa Bantayog ng Lakas ng Bayan, samu't-saring mga lungsod at lalawigan sa bansa kasunod ng pinagtatalunang paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng

Daang Palibot Blg. 3

Show comments
Hide comments

Tidak ada komentar