Na kilala rin bilang Aklat ng Pahayag o Pahayag lamang, ay ang pinakahuling aklat sa Bagong Tipan sa Bibliya ng mga Kristiyano.
Nakikilala rin ito bilang Apokalipsis ni Juan o payak na Apokalipsis (Hula) lamang. Ang may akda nitong si Juan ay sumulat mula sa isla ng Patmos na isang isla ng bansang Gresya sa Dagat Aegean. Ang aklat na ito ay pinaniniwalaan na isinulat sa kapanahunan ni Emperador Domitian o sa panahon ni Emperador Nero.
Pangunahing Diyos Sa Mitolohiyang Babilonya title=Pinagmulan Nh Lahat Ng Diyos At Diyosa Sa Babylonia style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSra3AA03clCqa8Zbj8mgSZoBZ9i1JWIGvRamQxPx0eAdUcT3yQkoQwq7kwrx0TbBkvlNE&usqp=CAU'; />
Naglalaman ito ng mga simbolismo at mga pahayag o pagsisiwalat na apokaliptiko upang itago ang pag-atake nito sa Imperyo Romano upang makaiwas sa pag-uusig ang may akda nito. Ito ay maaring isang panitikang naglalaman ng vaticinium ex eventu (hula sa mga pangyayaring naganap na) gaya ng Aklat ni Daniel.
Ang Kabihasnan: August 2014
Ang mapa na nagpapakita ng lugar ng pitong simbahang Kristiyano na pinadalhan ng Aklat ng Pahayag sa Anatolia sa kasalukuyang Turkiya. Ang isla ng Patmos ay isang pulo ng Gresya.
Tinutukoy sa Aklat ng Pahayag ang mga pangyayaring sandaling mangyayari(Pahayag 1:1) sa pitong Iglesia ng Asya Menor na probinsiya ng Imperyo Romano noong ika-1 siglo CE, pati na ang pinaniniwalaan ng may-akda nitong huling tagumpay ng mga Kristiyano, pagbagsak ng Imperyo Romano(o Dakilang Babilonia), pagsapit sa huling araw, at gayon din ang pagbabalik ni Hesukristo. Inilalahad rin dito ang nangyari nang pakikibaka at pagwawagi ni Hesukristo laban kay Satanas at mga kasamahan ng diyablong ito. Ang tinutukoy na tagumpay ni Hesus ang sanhi ng walang katapusang paghahari ng Diyos. Dahil sa mga pagtukoy ng aklat na ito sa mga parating na panahon, isa itong apokalipsis, isang uri ng pagsusulat na puno ng nakakubling mga simbolo at ng mga salitang larawan, at kadalasang nakatuon sa hindi tiyak kung kailan darating na wakas ng panahon. Ang mga sagisag na ginamit sa Aklat ng Pahayag ay mga simbolong karaniwan o pamilyar sa mga Kristiyano subalit hindi pangkaraniwan o nakakubli para sa mga hindi Kristiyano.
Dahil hindi nauunawaan ng mga may kapangyarihan mga Romano ang salitang-larawan at mga simbolo, naging maginhawang lantad na basahin ng mga Kristiyano ang Aklat ng Pahayag, na hindi ]nanganganib na dakpin upang ibilanggo.
Vocab.txt · Jcblaise/electra Tagalog Small Uncased Discriminator At 66bc7c4b63fe2b0628c3b9b00c9723f6183989c8
Ako'y si Juan, ang inyong kapatid at kasama sa kapighatian at pagtitiis na nararanasan ng mga kabilang sa kanyang kaharian dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Noon ako'y nasa isla ng Patmos sapagkat ipinangaral ko ang salita ng Diyos at nagpatotoo ako para kay Jesus. 10 Noon ay araw ng Panginoon, at habang nasa ilalim ako ng kapangyarihan ng Espiritu, narinig ko mula sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang tunog ng trumpeta. 11 Sabi niya, “Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakita, at ipadala mo ito sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicea.”— Aklat ng Pahayag 1:9-11
Ang akdang ito ay sumasalamin sa paniniwala ng mga Kristiyano noong unang siglo CE na ang pagkawasak ng Templo sa Herusalem noong 70 CE ang tanda nang pagdating ni Hesus at ang pagwawakas ng mundo (Ikumpara sa Ebanghelyo ni Marcos Kapitulo 13, Ebanghelyo ni Mateo Kapitulo 24 at Ebanghelyo ni Lucas 21:20-36) kung saan ang halimaw(Nero) at ang mga hari ng Silangan (Imperyong Parthian) ay kakasangkapanin ng Diyos upang parusahan ang Imperyo Romano(Pahayag 16:12-19) sa pagwasak nito sa Herusalem at Templo nito at pagkatapos ay hahantong sa Armageddon kung saan ang Babilonya(Roma) ay mawawasak at kalaunan ang AntiKristo(Emperador Nero) ay paparasuhan naman ni Hesus. Ang huli ay ang paglikha ng isang pisikal na Bagong Herusalem na hindi na kailangan ng templo kung saan maninirahan ang mga Kristiyanong magtitiis sa mga pag-uusig sa kanila. Ito ay isang paghihikayat na ang kanilang mga pagdurusa ay may kapalit na gantimpala at paghihigante laban sa kanilang mga kalaban.
Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah.
Aerial's Torch Of Salvation: Ang Pangalan Ng Diyos Sa Bagong Tipan
Ayon sa 11:1-2, At binigyan ako ng isang tambo na katulad ng isang panukat at sinabi ng anghel: Tumindig ka at sukatin mo ang banal na dako ng Diyos at ang dambana at ang mga sumasamba roon.2 Huwag mo nang isali ang patyo na nasa labas ng templo. Huwag mo na itong sukatin sapagkat ibinigay na ito ng Diyos sa mga Gentil. Yuyurakan nila ang banal na lungsod sa loob nang apatnapu’t dalawang buwan (42 buwan).

Ayon sa 12:6, Tumakas ang babae papuntang ilang. Naghanda ang Diyos ng dako para sa kaniya upang alagaan siya ng mga tao roon sa loob ng isang libo dalawangdaan at animnapung araw.
Ayon sa (14:1-2) 1 At nakita ko, narito, ang Korderong nakatayo sa bundok ng Zion. Siya ay may kasamang isangdaan at apatnapu’t apat na libong mga tao na nakatayo. May nakasulat na pangalan ng kaniyang ama sa kanilang mga noo.
Aklat Ng Pahayag
2 Ako ay nakarinig ng isang tunog na mula sa langit na katulad ng tunog ng maraming tubig. Ito ay katulad ng isang napakalakas na kulog. Narinig ko ang tunog ng maraming manunugtog ng kudyapi na tumutugtog ng kanilang kudyapi. 3 Sila ay umawit ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harapan ng apat na buhay na nilalang at ng mga matanda. Walang sinumang matututo ng awit na iyon. Ang matututo lamang nito ay ang isangdaan at apatnapu’t apat na libong mga tao na tinubos ni Hesus sa lupa. 4 Hindi dinungisan ng mga ito ang kanilang mga sarili sa mga babae. Sila ay mga birhen. Sila yaong mga sumusunod sa Kordero saan man siya pumaroon. Sila yaong mga tinubos ng Kordero bilang mga unang bunga para sa Diyos at para sa Kordero. 5 Walang pandaraya sa kanilang mga bibig sapagkat wala silang anumang dungis sa harapan ng trono ng Diyos.
Nang mag-alsa ang mga Hudyo laban sa mga Romano noong 66 CE. ipinadala ni Emperador Nero noong tagsibol nang 67 CE ang kanyang Heneral na si Vespasian upang puksain ito at pagkalipas ng 42 buwan, ang Herusalem at ang templo nito ay winasak ng mga Romano noong Setyembre 70 CE.

Ayon sa ika-4 na siglog ama ng simbahan na si Eusebio ng Caesarea at Efifanio ng Salamis, may isang tradisyon na bago ang pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE, ang mgs Mesiyanikong Hudyo sy binalaan na lumisan sa Pella sa rehiyon ng Decaplis sa kaharap na Ilog Hordan ngunit hindi kabilang ang mga Hudyong Kristiyanong Ebionita. Ang pagiging tunay ng tradisyong ito ay pinagdedebatehan ng mga skolar mula 1951.
Umaasa Ang Diyos Para Sa Tunay Na Pananampalataya Ng Tao
Naniwala ang may akda ng Pahayag na mga lalake lang at ang mga ito ay malamang mga Hudyong Kristiyano (Pahayag 7:1-8) ang maliligtas sa pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE. Pinagpalagay niya na naligtas ang mga Hudyong Kristiyano sa kabila ng pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE.
Kapitulo 13 [ baguhin | baguhin ang wikitext ] Emperador Nero at ang Saserdote ng Kultong Imperyal [ baguhin | baguhin ang wikitext ]
Makikita sa manuskrito ang nadiskubreng bilang na χιϛ (616), na bilang ng halimaw sa Papyrus 115 noong Mayo 2005 na ang pinakamatandang manuskrito ng Pahayag, 13:18.

Marduk Ang Pangunahing Diyos Nila
Aang mapamusong na pagsambang gusto ng Hayop mula Dagat ay umaalala sa kultong Imperyal noong unang siglo CE. Ang pakikidigma ng Hayop sa mga banal ay nagpapaalala sa matinding pag-uusig ni Emperador Nero at kalaunan ay ni Domitian na ginawa nila sa mga Kristiyano dahil sa hindi pagsamba ng mga ito kay Cesar. Ang pag-uusig ni Nero laban sa mga Kristiyano mula 64 CE(nang sisihin niya ang mga Kristiyano sa pagkasunog ng Roma) hanggang 68 CE at nagpapaliwanag sa 42 buwan o 3 ½ taon ng pag-uusig na mababasa sa Pahayag 13:5. Ang pagpapasamba ng ikawalang Hayop sa mga mamamayan para sa Hayop na mula sa Dagat ay nagpapaalala ng mga Saserdote ng Kultong imperyal sa Asya Menor na ang katungkulan ay pilitin ang mga mamamayan na maghain ng handog kay Cesar at ipahayag itong Panginoon. Si Nero na isang megalomaniac ay nagpalimbag ng mga baryang salapi na tumatawag sa kanyang Diyos na Makapangyarihan sa Lahat at Tagpagligtas. Hiniling ni Nero ang mga karangalan ng isang Diyos at ang mga sumasamba sa kanya ay binibigyan ng mga sertipiko o marka na charagma na salitang Griyegong parehong ginamit sa Pahayag 13:16-18. Ayon sa Pahayag 16:13, ang mga masasamang espiritong palaka ay lumabas sa bibig ng Halimaw na ayon kay Plutarch (46-119 CE), si Nero ay magiging isang palaka sa kanyang reinkarnasyon.(Plutarch, De Sera Numinis Vindicta).
...Si Beliar(Diablo) na dakilang pinuno, ang hari ng mundong ito, ay bababa na naghari dito simula nang ito ay lumitaw, oo siya ay bababa mula sa kanyang kalawakan sa anyo ng isang tao, isang sumasalangsang sa batas, ang mamamatay tao ng kanyang ina: siya na mismong hari.Kanyang uusigin ang 12 Apostol. Ang pinunong ito ay nasa anyo ng hari at sasakanya ang lahat ng kapangyarihan ng mundo at kanilang pakikinggan siya sa lahat ng kanyang nanaisin.Siya ay magsasalita tulad ng Minamahal na nagsasabing Ako ang Diyos at walang katulad ko. At ang lahat ng tao sa mundo ay maniniwala sa kanya at maghahandog sila sa kanya at maglilingkod na nagsasabing Ito ay Diyos at walang katulad niya...At magkakaroon ng kapanyarihan ng mga milagro sa bawat lungsod at nayon.
Tidak ada komentar